Sonny Matula, ika-12 kandidato ng Senate slate ni VP Robredo

By Angellic Jordan October 22, 2021 - 05:41 PM

Screengrab from Atty. Sonny Matula’s Facebook video

Inanunsiyo ni Vice President Leni Robredo na ang labor leader na si Atty. Sonny Matula ang ika-12 kandidato ng kaniyang Senate slate para sa 2022 national elections.

Malinaw aniya ang track record ni Matula sa paglaban para sa karapatan ng mga manggagawang Pilipino.

“Buo na ang labindalawa: Isang hanay na iba-iba man ang pinanggalingan ay nagkakaisa sa kinabukasang nais patunguhan,” ani Robredo at dagdag nito, “Pinagbibigkis tayo ng pangarap at pagmamahal sa bayan. At tulad ng nasabi ko, lahat sila—lahat kami—sa inyo lang, sa taumbayang Pilipino, mananagot.”

Sa inilabas namang pahayag ni Matula, ikinalugod nitong mapabilang sa mga kakandidatong senador na inendorso ng bise presidente.

Noong ika- 15 ng Oktubre, inanunsiyo ni Robredo ang 11 personalidad na kabilang sa kaniyang senatorial slate.

TAGS: 2022elections, 2022polls, InquirerNews, Leni Robredo, Pilipinas, RadyoInquirerNews, Robredo senatorial slate, SonnyMatula, 2022elections, 2022polls, InquirerNews, Leni Robredo, Pilipinas, RadyoInquirerNews, Robredo senatorial slate, SonnyMatula

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.