Lalo pang bumaba ang reproduction number o bilang ng hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ayon sa OCTA Research, nasa 0.46 na lamang ang reproduction number kumpara sa 0.59 na naitala noong nakaraang linggo.
Ayon kay Doctor Guido David ng OCTA Research, nasa 1,044 na lamang ang average new cases kada araw sa nakalipas n apitong araw habang ang reproduction number ay nasa 0.46.
Bumaba din ang healthcare utilization sa 40 percent kumpara sa 47 percent noong nakaraang linggo.
Ayon kay David, bumaba din ang intensive care unit occupancy rate sa 52 percent kumpara sa 61 percent noong nakaraang linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.