102 na lugar naka-granular lockdown

Nabawasan pa ang bilang ng mga lugar nan aka-granular lockdown sa Metro Manila.

Ayon sa Philippine National Police, mula sa 105, nasa 102 na lugar na lamang ang naka-lockdown dahil sa COVID-19.

Nabatid na ang 102 na lugar ay nasa 56 na barangay.

Ayon sa PNP, nasa local government units na ang pagpapasya kung tatanggalin o ipagpapatuloy pa ang granular lockdown sa kanilang mga lugar.

Nasa 310 na pulis at 241 na force multipliers ang nagbabantay sa mga lugar nan aka-granular lockdown.

 

Read more...