Galing Pook Award nasungkit ng QC

By Chona Yu October 22, 2021 - 09:59 AM

Panalo ang Quezon City government sa Top 10 Galing pook award ngayong taon.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, itinanghal na Grow QC ang multi-sectoral at community-based food security initiative na ‘Kasama ka sa Pag-unlad sa Pagkain, Kabuhayan, at Kalusugan Food Security Program.’

“Sa ngalan po ng mga mamamayan ng Lungsod Quezon lalung-lalo na sa ating urban farmers, kami po ay nagpapasalamat sa pagkilala sa aming programa na ipinanganak lamang sa panahon ng pandemya upang makapagbigay kami ng masustansyang pagkain nang hindi umaasa lamang sa mga de lata at pagkain na ipinamimigay,” pahayag ni nisaid Mayor Belmonte.

Layunin ng program ana makamit ang United Nations Sustainable Development Goals (SDG) #2 – Zero Hunger, SDG#3 – Good Health & Well-being, SDG#8 – Decent Work & Economic Growth, and SDG#17 – Partnership for the Sustainable Development Goals.

“This program is a testament that we can be self-reliant even if we are in a highly-urbanized city,” pahayag ni Mayor Belmonte.

“Ang GrowQC ay hindi lamang urban farming, tinitingnan din nito ang mas magandang pagdaloy ng pagkain or Improved Food Systems. Part of improved Food Systems is the creation of community-level food hubs and markets that allow agricultural raw materials to be available and the value-adding of food that creates livelihood,”dagdag ng alkalde.

 

 

 

TAGS: Mayor Joy Belmonte, quezon city, Mayor Joy Belmonte, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.