Kakarampot na DAR scholars kinuwestiyon ni Sen. Imee Marcos

By Jan Escosio October 22, 2021 - 09:06 AM

Hindi na itinago ni Senator Imee Marcos ang labis na pagkadismaya sa napakaliit na bilang ng nabigyan ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng scholarship grants.

Aniya libo-libo ang mga anak ng mga benepisyaryo ng agraryo sa lupa na nag-apply para sa scholarship grant ngunit 33 lamang ang inaprubahan ng DAR.

“Mas maraming nabigo kaysa natuwa, ngayon pa namang nagmahal ang edukasyon dahil sa pandemya,” sabi ni Marcos kasabay ng paggunita ng ika-49 taon ng PD 27, na bumuo sa land reform program.

Puna nito, P2.357 milyon lang ang ginasta ng DAR sa kanilang scholarship grants gayung higit P800 milyon sa pondo nito ay hawak ng Procurement Service – Department of Budget and Management.

“There’s a lack of vision and dedication here, when DAR scrimps on benefits for those they are supposed to serve while COA flags the parking of Php800 million in unliquidated funds in PS-DBM,” hirit pa ni Marcos.

Dapat aniya ay dagdagan pa ng DAR ang pondo para sa scholarship grants dahil ang kasalukuyang budget ay wala pang isang porsiyento sa P400 milyon inilaan sa katulad na programa para sa mga anak ng mga magniniyog sa bansa.

TAGS: DAR, Imee Marcos, scholarship, DAR, Imee Marcos, scholarship

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.