TUPAD program ng DOLE, nakalaan para sa lahat ng manggagawa – Bello
Muling inihayag ni Labor Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III ang matibay na pangako ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pag-asiste sa lahat ng manggagawa.
Sinabi ito ng kalihim sa pamamahagi ng P6.5 milyong halaga ng tulong sa panibagong batch ng Rizaleños sa ikalawang round ng Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program payout Sa San Mateo, Rizal araw ng Huwebes, October 21.
“TUPAD is for all kinds of workers, regardless of disabilities and sexual orientation. DOLE’s assistance programs will not discriminate and will assist all workers who need them,” pagdidiin ni Bello.
Aniya, makatutulong ang distribusyon ng livelihood bicycle kits sa mga taong may kapansanan at miyembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender, at queer/questioning community sa San Mateo para sa economic recovery.
Bawat livelihood bicycle unit ay may helmet, kapote, water bottle, thermal bag, at Android mobile phone na may P5,000 halaga ng load para makatulong na masimulan ang kanilang delivery o food service business.
Umabot sa 1,648 ang kabuuang bilang ng beneficiaries, na karamihan ay nagmula sa Barangays Silangan, Banaba, at Ampid 1, na nakatanggap ng emergency employment salaries sa ilalim ng TUPAD.
Kasama sa beneficiaries ang mga informal at tourism sector workers na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
Ani Bello, patuloy ang pagtupad ng administrasyong Duterte sa pangakong pagbibigay ng tulong sa mga Filipino.
“Ang pera ng DOLE ay pera ninyo. Kaya nararapat lamang na ang mga benepisyong katulad ng TUPAD ay maibigay sainyo,” saad ng kalihim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.