‘No vaccine, no pay’ maaring ibase sa COVID 19 Alert System

 

Kumambiyo si Labor Secretary Silvestre Bello III sa kanyang mga naunang pahayag na hindi maaring ipitin ang suweldo ng mga kawani o manggagawa na hindi bakunado.

Paliwanag ni Bello, maari itong gawin ng mga kompaniya kung patuloy na tatanggi ang manggagawa na magpabakuna.

Dagdag pa niya maari din itong gawin dahilan para tanggalin sa trabaho ang kawani o manggagawa.

Paliwanag ng kalihim maaring pagbasehan na kailangan ay bakunado na ang mga manggagawa ang bagong ipinatutupad na COVID 19 Alert System.

Aniya base sa resolusyon ng IATF, kapag pinairal ang Alert Level 3, kinakailangan na bakunado na ang mga empleado, bukod sa mga kustomer.

“Because now there is an obligation on the part of the employer that their employees are vaccinated. So they can also require their employees to get vaccinated because there is a legal basis,” sabi pa ni Bello.

Read more...