ULAP sinabing maayos na naikasa ang COVID 19 Alert Level System sa ilang probinsiya

By Jan Escosio October 21, 2021 - 06:16 PM

Maayos na naikasa sa ilang probinsiya ang bagong COVID 19 Alert System, ayon sa Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP).

Ayon kay Quirino Gov. Dakila Cua, pangulo ng ULAP, ito ay bunga ng naging diskusyon na pairalin na rin sa piling lugar sa labas ng Metro Manila ang alert system.

Aniya bago pa ito pairalin ay sumailalim na ang mga lokal na pamahalan sa seminar ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa paghahanda at pagpapatupad ng sistema.

“In my own experience, okay naman. Kasi, to be honest, matagal naman na itong pinag-uusapan. Noong nagpa-pilot pa lang ang NCR ng alert level system, binabanggit na nga na eventually, lahat pupunta doon,” aniya.

Simula kahapon hanggang Oktubre 31 iiral ang sumusunod na alert level sa mga kinauukulang lugar:

Alert Level 4

Negros Oriental, Davao Occidental

Alert Level 3

Cavite, Laguna, Rizal, Siquijor, Davao City, Davao del Norte

Alert Level 2

Batangas, Quezon province, Lucena City, Bohol, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Cebu province, Davao de Oro, Davao del Sur, Davao Oriental

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.