Ilang mangingisda, huli dahil sa illegal fishing sa Cavite

PCG photo

Hinuli ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Cavite ang ilang mangingisda dahil sa ilegal na pangingisda.

Nahuli ang mga mangingisda na sakay ng bangka, DEXWIN ACE, sa karagatang sakop ng Carabao Island sa Maragondon, Cavite noong Miyerkules.

Mahaharap ang mga mangingisda sa kaso dahil sa paglabag sa Municipal Ordinance 78 – 08 Section 4.3 dahil sa ilegal na pangingisda gamit ang trawling gears.

Dinala ng mga tauhan ng PCG Station Cavite ang bangka sa impounding area ng munisipalidad para sa proper documentation.

Read more...