Palasyo, sinabing kailangan ng batas sa pagbabakuna sa mga manggagawa vs COVID-19 bago makabalik sa trabaho
Nanindigan ang Palasyo ng Malakanyang na kailangang bumalangkas muna ng batas para maging requirement sa mga manggagawa ang pagbabakuna kontra COVID-19 bago makabalik sa trabaho.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi makatarungan na hindi matanggap sa trabaho ang isang indibidwal na hindi bakunado.
Sa ngayon aniya, puspusan ang gobyerno sa pagsasagawa ng malawakang pagbabakuna para makabalik na sa trabaho ang mga manggagawa at mabuhay ang ekonomiya.
Sa ngayon, sapat na aniya ang suplay ng bakuna sa bansa.
Sa pinakahuling talaan, 53 milyong katao na ang bakunado sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.