Nagkita sa the Hague, Netherlands sina House Speaker Sonny Belmonte at Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria “Joma” Sison.
Sa text message ni Belmonte sinabi nitong pinag-usapan sa pulong ang mga isyu kaugnay sa nabinbing usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
Tinawag ni Belmonte na isang “bridge-building” at “social meeting” ang naganap na pagpupulong kina Sison at Luis Jalandoni na Chairman ng NDFP negotiating panel.
Kasama ni Belmonte na nakipagkita kina Sison at Jalandoni si House majority leader Neptali “Boyet” Gonzales II./ Inquirer.net, Dona Dominguez-Cargullo
MOST READ
LATEST STORIES