Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (October 21), pumalo na sa 2,740,111 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 65,835 o 2.4 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 4,806 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
78.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.2 porsyento ang asymptomatic; 8.53 porsyento ang moderate; 4.6 porsyento ang severe habang 2.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 260 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 41,237 o 1.50 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 5,934 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,633,039 o 96.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.