BREAKING: Halos 5,000 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa bansa sa loob ng isang araw
Patuloy ang pagbaba ng naitatalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (October 21), pumalo na sa 2,740,111 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 65,835 o 2.4 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 4,806 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
78.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.2 porsyento ang asymptomatic; 8.53 porsyento ang moderate; 4.6 porsyento ang severe habang 2.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 260 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 41,237 o 1.50 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 5,934 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,633,039 o 96.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.