Tagtuyot sa N. Mindanao hanggang Setyembre pa

By Dona Dominguez-Cargullo May 06, 2016 - 08:37 AM

el-nino-phenomenonPosibleng tumagal hanggang sa buwan ng Setyembre ang nararanasang tagtuyot sa Region 10 o Northern Mindanao.

Partikular na apektado ng tagtuyot ang mga lalawigan ng Bukidnon, Camiguin, Lanao Del Norte, Misamis Occidental at Misamis Oriental.

Ayon kay Anianita R. Fortich, PAGASA-Mindanao Regional Services Division officer-in charge, sa Camiguin Island, mararanasan ang tagtuyot hanggang sa buwan ng Hunyo.

Sa datos ng Department of Agriculture, sa ngayon umabot sa halos 60 libong magsasaka ang apektado na ng tagtuyot sa nasabing rehiyon.

Nasa 28,893 na ektarya naman ng pananim na mais ang nasira na.

Ayon kay Audy G. Maagad, DA supervising agriculturist, naglaan na sila ng tulong sa mga magsasaka gaya ng pagbibigay ng pump equipment, hybrid at certified seeds, fertilizers at gamot apra sa livestock.

 

TAGS: El Niño, El Niño

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.