‘Tongpats’ ng DOE sa presyo ng kuryente ibinunyag ni Sen. Pacquiao

By Jan Escosio October 21, 2021 - 12:59 PM

Matapos ibunyag ang iniisip niyang anomalya sa pamamahagi ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang dahilan naman ng mataas na halaga ng kuryente sa bansa ang pinasabog ni Senator Manny Pacquiao.

 

Ginawa ni Pacquiao ang pasabog sa deliberasyon sa P2.13 billion 2022 budget ng Deparment of Energy.

 

Ayon kay Pacquiao maaring hindi alam ng 20 milyong kabahayan at libo-libong negosyo na nagbabayad sila ng ‘hidden charges’ sa kanilang electric bill.

 

Ito aniya ay dahil sa maanomalyang pamamahala ni Energy Sec. Alfonso Cusi sa operasyon ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

 

“Kung may Pharmally ang DOH, Starpay ang DSWD ay mayroon namanng PEMC-IEMOP ang DOE,” sabi ng senador, na ang tinutukoy ay ang Philippine Electricity Market Corp. at Independent Electricity Market Operator of the Phils.

 

Paliwanag pa nito, dahil sa sinasabi niyang modus ni Cusi, P0.0086 per kilowatt hour ang nadadagdag sa bayarin sa kuryente o aabot sa P1.70 sa mga nakakakonsumo ng 200kwh kada buwan.

 

Nangangahulugan na P34 milyon hanggang P40 milyon ang nakokolektang ‘hidden charges’ sa buwanang konsumo sa kuryente ng mga konsyumer.

 

Ibinahagi pa ni Pacquiao na ang pinayagan na pribadong korporasyon ni Cusi para pamahalaaan ang electricity spot market ay may tatlong buwan pa lamang at may kontribusyon na P7,000.

 

Maliwanag aniya na sa halip na magkaroon ng kompetisyon sa spot market base sa EPIRA Law ay nagkaroon ng sabwatan na lalong nagpapahirap sa mga Filipino.

Si Cusi ang pumalit kay Pacquiao bilang pangulo ng PDP – Laban at ang dalawa ay nag-aagawan sa pagkilala ng Commission on Elections sa kung kaninong paksyon ay kikilalaning lehitimo.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.