Pagbaba sa Alert Level 2 ng Metro Manila posible – DOH
Kung magpapatuloy ang pagbaba ng mga kaso ng COVID 19 sa Metro Manila, sa mga susunod na linggo ay maaring ibaba ang kapitolyong rehiyon ng bansa sa Alert Level 2.
Ito ang sinabi ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire dahil aniya kahapon, 642 bagong COVID 19 cases lamang ang naitala sa Metro Manila.
Ibinahagi nito na sa 67,061 active cases sa buong bansa, 13,439 ang nasa Metro Manila.
“If this number continues to decline, it is very possible that we can be deescalated in the coming weeks, so hopefully all of us will not be complacent, all of us will work together so that we can reach that goal of having Alert Level 2 in the NCR,” sabi ni Vergeire.
Paliwanag niya kapag bumaba pa sa 500 ang naitatalang bagong kaso ay maari nang ibaba sa Alert Level 2 ang Kalakhang Maynila.
Sa pag-iral ng Alert Level 2, ang mga establismento na pinayagan magbukas ay maari papayagan na ng 50 percent on-site o venue capacity, maliban sa mga lugar na nasa granular lockdown.
Ang pag-iral ng Alert Level 3 sa Maynila ay hanggang sa darating na Oktubre 31.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.