CHED: Student-athletes dapat bakunado bago magbalik-training at laro

By Jan Escosio October 21, 2021 - 09:56 AM

Kinakailangan na bakunado na ng proteksyon laban sa COVID 19 ang lahat ng student-atheletes bago sila payagan na magbalik sa trainings at aktuwal na paglalaro.

Ito ang iginiit ni Commission on Higher Education (CHED) chairperson Popoy de Vera sa pagsasabing kahit may pandemya ay naghahanda na sila ng pagbabalik ng collegiate sports leagues.

Ngunit pagdidiin niya magbabalik lamang ang mga liga sa kolehiyo kung bakunado na ang mga student-atheletes gayundin ang mga nasa sektor ng edukasyon.

Ngayon naman aniya nagsimula na ang pagpababakuna sa mga atletang estudyante, maaring humantong na ito sa pagbabalik nila sa trainings.

Inilunsad ng CHED ang vaccination caravan para sa mga student-athletes na may temang, ‘Padyak para sa Flexible Learning: Sama-samang Vaccination Program.’

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.