PMVICs na ipinasara, nagbalik-operasyon pagbubunyag ni Sen. Grace Poe

Ibinahagi ni Senator Grace Poe na nakatanggap na siya ng mga ulat na may mga ipinasarang Private Motor Vehicle Inspection Centers’ (PMVICs) sa ilang probinsiya ang nagbukas na.

Bunga nito, hinahanap ni Poe ang resulta ng mga isinagawang rebyu  sa mga polisiya na gumagabay sa operasyon ng PMVICs.

“Ano na ang resulta ng pag-aaral? Naikunsidera ba ang mga rekomendasyon ng Senate committee report? Nagkaroon ba ng malawakang konsultasyon upang malaman ang sentimiyento ng mga apektadong sector,” tanong nito.

Aniya batid niya na layon nito na maging ligtas ang pagbiyahe ng mamamayan, ngunit hindi makatuwiran na basta-basta na lamang papayagan ang operasyon ng PMVICs.

Pagdidiin ni Poe dapat ay maayos ang mga polisiya para hindi na maging dagdag pasanin pa ito sa taumbayan ngayon nagpapatuloy ang pandemya dulot ng COVID 19.

Read more...