Marami sa mga ‘fully vaccinated’ na namamatay ay matanda, may mga sakit – study
Base sa pag-aaral sa Italy, ang mga fully vaccinated laban sa COVID 19 ay mamamatay lamang sa sakit kung sila ay matanda at may mga karamdaman na.
Sa inilabas ng Health Institute (ISS) na resulta ng pag-aaral ukol sa mga namatay sa COVID 19, ang average age ng mga namatay ay 85 at sila ay may average na limang sakit.
Samantala, sa mga hindi naman nabakunahan, ang average age ng mga namatay ay 78 at may apat na sakit.
Marami rin sa mga namatay sa COVID 19 na fully vaccinated ay may sakit sa puso, dementia at cancer.
Isinagawa ang pag-aaral simula noong Pebreo 1 hanggang nitong Oktubre 5 sa medical records ng 671 na hindi nabakunahan at 171 na fully vaccinated.
Sa nabanggit na panahon, nakapagtala ng 38,096 COVID 19 deaths sa Italy at sa bilang, 33,620 ang walang bakuna, 2,130 ay may single dose at 1,440 naman ang fully vaccinated.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.