Chop-chop na bahagi ng katawan dalawang tao natagpuan sa Malabon
Natagpuan ng mga residente kaninang madaling araw ang chopchop na bahagi ng katawan tao na nasa loob ng sako sa Tugatog, Malabon.
Unang nadiskubre ng ilang residente ang kulay dilaw na sako sa basurahan sa P. Aquino Avenue sa Letre Road kaninang alas 2:00 ng madaling araw.
Ayon kay Barangay Tanod Eugenio Pilenio, nang kanilang buksan, tumambad sa kanila ang duguang dalawang binti ng tao.
Katabi nito ang isa pang sakop na kulay puti naman na may lamang ulo at torso.
Ilang minuto ang na nakalipas isa pang sako ang nakita ng mga tauhan ng barangay na naglalaman ng isa pang katawan ng tao.
Dinala na sa punerarya ang mga nakitang bahagi ng katawan para maisailalim sa sa otopsiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.