Lugar sa Metro Manila na naka-granular lockdown dumami pa

By Jan Escosio October 21, 2021 - 09:00 AM

Sa ika-apat na araw nang pag-iral ng Alert Level 3, nadagdagan ang bilang ng mga lugar sa Metro Manila na naka-‘granular lockdown.’

Basa sa inilabas na datos ng PNP ngayon araw, mula sa 98 ay umakyat sa 105 kahapon ang locked down areas sa 58 barangay sa Kalakhang Maynila.

Binubuo ito ng 57 bahay, 28 residential buildings, 12 subdibisyon at anim na palapag ng residential buildings.

Utos ng mga lokal na pamahalan ang pag-locked down sa mga nabanggit na lugar, gusali at bahay.

Samantala, simula noong Oktubre 16, umabot na sa 45,592 quarantine violators ang naitala ng PNP sa Metro Manila.

Sa mga lumabag, 56 porsiyento ang nabigyan ng warning, 36 porsiyento ang pinagmulta, at ang walong porsiyento ay nahaharap sa iba pang paraan ng pag-disiplina.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.