DFA nagprotesta vs ilegal na pag-isyu ng 200 radio challenges, ‘provocative acts’ ng mga barko ng China
Naghain ng protesta ang Pilipinas laban sa ilegal na pag-isyu ng mahigit 200 radio challenges at iba pa ng mga barko ng China habang nagpapatrolya ang mga awtoridad sa teritoryo ng bansa.
Sa inilabas pahayag, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nagpapatunog ng sirena at busina ang mga barko ng China sa gitna ng pagpapatrolya.
Giit ng kagawaran, isang “legitimate, customary, and routine patrols” ang isinagawa sa territory at maritime zones ng bansa.
“These provocative acts threaten the peace, good order, and security of the South China Sea and run contrary to China’s obligations under international law,” dagdag ng DFA.
Noong Setyembre, ipinag-utos ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. ang paghahain ng protesta laban sa China dahil sa patuloy na presensya nito sa West Philippine Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.