Senate Pres. Tito Sotto, hindi alam saan galing ang hugot ni Pangulong Duterte sa pagtapyas sa 2022 budget

Senate PRIB Photo

Hindi alam ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III kung saan nahugot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang banta diumano ng ilang senador na tatapyasan ang pondo sa susunod na taon ng ilang tanggapan ng gobyerno.

Ayon kay Sotto, wala sa agenda ng Senado ang magbawas ng pondo ng mga ahensiya.

Paliwanag niya, dumadalo ang mga miyembro ng Gabinete sa deliberasyon para ipaliwanag ang kanilang mga pangangailangan at pinagkakagastusan.

Naniniwala si Sotto na nabibigyan muli ng maling impormasyon si Pangulong Duterte kaya’t may naging panibagong hamon ito sa Senado.

“I don’t know who is threatening the budget of the executive department. The President must be being given wrong information,” aniya.

Paliwanag pa nito, nagkakaroon lang ng deliberasyon sa budget ng ahensiya kung present ang kanilang mga opisyal.

“No such thing as cutting the budget because of non-attendance,” diin pa ni Sotto.

Read more...