Marcos balik muli sa No. 1 sa pinakahuling SWS survey

By Kathleen Betina Aenlle May 06, 2016 - 04:42 AM

 

Mula sa inquirer.net

Dikit na dikit na ang laban sa pagitan nina Sen. Bongbong Marcos at Camarines Sur Rep. Leni Robredo sa vice presidential race ayon sa pinakahuling survey ng BusinessWorld-Social Weather Stations (SWS).

Sa survey ng SWS na isinagawa mula May 1 hanggang 3, nakamit muli ni Marcos ang top spot sa pagkuha ng 29 percent.

Nakatanggap naman si Robredo ng 28 percent, kaya lumalabas na ang dalawang vice presidentiables ay statistically tied.

Tumaas ng apat na puntos ang nakuha ni Marcos mula sa naunang survey na ginawa noong April 18 hanggang 20, habang dalawang puntos naman ang ini-angat ni Robredo.

Samantala, pumapangatlo naman si Sen. Chiz Escudero sa 15 percent, at pang-apat si Sen. Alan Peter Cayetano.

Kapwa namang nakakuha ng 3 percent sina Sen. Gringo Honasan at Sen. Antonio Trillanes IV.

Ang nasabing pinakahuling survey ng SWS ay nilahukan ng 1,800 na respondents na pawang mga registered voters na may +/- 2 points na margin of error.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.