Mga ‘regalo’ ni Pastor Quiboloy kay Duterte, lusot sa buwis-BIR

By Jay Dones May 06, 2016 - 04:38 AM

 

rodrigo-duterteWalang obligasyong magbayad ng buwis si Davao City Mayor at presidential candidate Rodrigo Duterte sa mga ‘regalo’ na ibinigay sa kanya umano ni Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ang paglilinaw ni BIR Commissioner Kim Henares bilang reaksyon ng ilang panig na posibleng sabit sa hindi pagbabayad ng buwis ang alkalde dahil sa mga tinanggap nitong regalo mula sa religious leader.

Paliwanag ni Henares, walang liability ang alkalde sa mga tinanggap nitong asset.

Sa halip, si Pastor Quiboloy aniya ang dapat na nagbayad ng kaukulang donor’s tax sa mga ibinigay nito sa alkalde.

Sa naunang pagkumpirma ni Duterte, sinabi nito na may tatlo siyang properties sa Woodridge Park, Ma-a, Davao City na ibinigay sa kanya ni Quiboloy.

Sinabi rin ni Quiboloy na binigyan niya ang alkalde ng isang Nissan Safari at isang Ford Expedition.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.