Anim na eskwelahan sa Maynila, inirekomenda sa pilot implementation ng face-to-face classes
Anim na eskwelahan sa Maynila ang inirekomenda na magkaroon ng pilot implementation ng face-to-face classes.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ito ay ang Hizon Elementary School, Burgos Elementary School, Aurora Quezon Elementary School, Pio del Pilar Elementary School, Avancena High School at I. Villamor Senior High School.
Paglilinaw ni Mayor Isko, kailangan pa ng approval ng Central Office at sasailalim pa sa safety seal certification ang mga nabanggit na eskwelahan kung papayagan na ang face-to-face classes.
Matatandaang araw ng Martes (October 19) lamang, ininspeksyon ni Mayor Isko ang paghahanda ng Aurora Quezon Elementary School sa face-to-face classes.
Nilagyan na ng acrylic barrier para maging ligtas ang mga estudyante sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.