Bilang ng tumatakbong newly-overhauled LRVs sa MRT-3, nadagdagan pa

DOTr MRT-3 photo

Umakyat na sa 31 ang tumatakbong newly-overhauled light rail vehicles (LRVs) sa linya ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ito ay matapos mai-deploy ng tatlo pang LRV noong October 15.

Naging matagumpay ang pagsailalim ng tatlong bagong overhaul na mga bagon sa speed tests bago maisalang sa linya.

Bahagi ang general overhauling ng malawakang rehabilitasyon ng MRT-3, sa tulong ng maintenance provider nito na Sumitomo-MHI-TESP.

Sa ngayon, nasa 30 porsyento pa riin ang passenger capacity sa nasabing tren, na may katumbas na 124 na pasahero kada train car o 372 na pasahero kada train set.

Tiniyak din ng pamunuan na patuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng health and safety protocols.

Read more...