Donasyong 2,000 doses ng AstraZeneca COVID vaccine, dumating na sa bansa

Screengrab from PTV Facebook video

May dumating muling COVID-19 vaccine sa bansa kasabay ng pagpapatuloy ng vaccination rollout.

Dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang eroplano ng Royal Brunei Airlines na may dala ng bakuna pasado 2:00, Miyerkules ng hapon.

Nasa 2,000 doses ng AstraZeneca ang dala nito.

Ang naturang bakuna ay donasyon ng gobyerno ng Brunei sa Pilipinas.

Read more...