PNoy nagsisipag dahil sa pangamba na manumbalik ang diktadurya sa bansa
Aminado si Pangulong Benigno aquino na kaya siya nagsisipag sa pangangampanya sa mga kandidato ng admnistrasyon ay dahil sa takot sa posibleng pagbabalik ng martial law sa bansa.
Ginawa ito ni Pangulo kasabay ng paghahayag ng kanyang pagtataka sa pangunguna sa mga presidential survey ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Habang nangangampanya sa Legazpi, Albay, sinabi nito na bilang ama ng bayan hindi nya maatim na basta-basta na lamang iwan sa ere ang taumbayan.
Ayon kay Pangulo, patapos na ang kanyang termino at pwedeng manahimik na lamang pero hindi niya ito magagawa dahil para na rin itong pagpapabaya sa kanyang tungkulin na pagtiyak sa kinabukasan ng mamamayan.
Una nang sinabi ni Pangulong Aquino na nakikita niya ang pagbabalik ng diktadurya sa panalo ni duterte lalot nagbanta na ito na ipapasara ang kongreso kahit na labag ito sa batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.