UAAP, target maibalik ang paglalaro ng basketball sa February 2022
Target ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na maibalik ang paglalaro ng basketball sa kalagitnaan ng Pebrero ng susunod na taon.
Ayon kay Emmanuel Calanog, presidente ng UAAP, puspusan ang ginagawang pagbabakuna sa mga atleta para makapag-ensayo at makapaglaro na sa UAAP.
Ayon kay Calanog, target naman ng kanilang hanay na makapagsimula ng paglalaro ng volleyball pagkatapos ng Semana Santa.
Nakikipag-ugnayan na aniya ang UAAP sa Commission on Higher Education (CHED), Department of Health (DOH) at sa Inter-Agency Task Force (IATF) para sa pagbalangkas ng polisiya.
Simula ng magkaroon ng pandemya sa COVID-19, natigil na ang paglalaro ng mga atleta sa UAAP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.