Abra, isinailalim na sa COMELEC control

By Kathleen Betina Aenlle May 06, 2016 - 04:32 AM

 

Inquirer file photo

Dahil sa mga reklamo ng karahasan at vote-buying, isinailalim na sa kontrol ng Commission on Elections (COMELEC) ang lalawigan ng Abra.

Ayon kay Abra election supervisor Atty. Mae Richelle Belmes-Beronilla, bagaman inilabas na ng COMELEC ang resolusyon kaugnay sa seguridad sa probinsya, hindi pa naman ito nakakarating sa regional office.

Hindi isinama ng Philippine National Police (PNP) ang Abra sa election watchlist area (EWA) para sa darating na halalan dahil naging mapayapa naman ang eleksyon doon noong 2013.

Huling isinailalim ang Abra sa COMELEC control noong 2010 dahil sa pagiging notorious nito gawa ng kaliwa’t kanang karahasan tuwing halalan.

Noong April 6, isang tumatakbong konsehal ang patay sa pamamaril sa isang kasalan sa bayan ng Malibcong , habang noong April 16 naman ay isang bomba ang na-detonate ng isang cell phone na bumulabog sa isang aktibidad ng COMELEC.

Patay rin sa pamamaril noong April 24 ang isang kandidato sa bayan ng San Juan.

Gayunman, nakasaad sa fact sheet mula sa PNP-Cordillera na bumaba pa sa 28 ang bilang ng mga kaso ng pamamaril sa Abra mula sa dating 51 noong eleksyon ng 2013.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.