Sa lungsod ng Mandaluyong isinagawa ni Senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ang kanyang Miting De Avance.
Kasama ang kanyang ina na si dating First Lady, ang kanyang maybahay na si Liza, anak at mga kaanak.
Dinaluhan ng okasyon ng mga taga-suporta ng vice presidential candidate na mula sa sa iba’t-ibang mga lugar sa Metro Manila at kalapit probinsya.
Sa naturang okasyon,inulit ng senador ang pagbibigay ng kanyang pasasalamat sa suportang ipinakita ng taumbayan.
Nanawagan din si Marcos sa taumbayan na maging masigasig sa pagbabantay sa nalalapit na halalan upang matiyak na walang pandarayang magaganap at isumbong ang kanilang makikitang iregularidad sa botohan.
Mahalaga rin aniya na maipakita na may pagkakaisa upang muling manumbalik ang mataas na pagtingin ng ibang bansa sa Pilipinas at sa mga Pilipino.
Bukod sa Maynila, inaasahang magsasagawa rin ng kahalintulad na Miting De Avance ang senador sa Davao City at Tacloban.