Reelectionist Sen. Leila de Lima muling nabiktima ng ‘fake news’ sa social media
Inalmahan ni Senator Leila de Lima ang pagkalat ng maling impormasyon sa social media ukol sa kanyang kandidatura sa pagka-senador.
Ipinagdiinan nito na ‘fake news’ ang kumalat na diskuwalipikado siyang tumakbo muli sa pagka-senador.
“Nakarating po sa akin na may ipinapakalat na naman na fake news ang mga bayarang trolls na ako daw ay hindi kwalipikado na tumakbo sa Halalan 2022 dahil nakakulong ako. Huwag po kayong maniwala,” sabi nito.
Pagdidiin niya kuwalipikadong-kuwalipikado siya base na rin sa 1987 Constitution
Kasabay nito, nanawagan siya sa mga botante na maging mapagbantay at mapanuri sa mga kumakalat na impormasyon sa social media dahil malinaw na nabibiktima na siya ng pagkalat ng ‘fake news.’
Kabilang si de Lima sa senatorial line-up nina Vice President Leni Robredo at Sen. Francis Pangilinan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.