Nag-aalok ang pamahalaang-lungsod ng Quezon ng libreng lecture at iba pang serbisyo para sa mga may breast cancer.
Sinabi ni Mayor Joy Belmonte, bahagi ito ng paggunita ng Breast Cancer Awarenes Month.
“It is the government’s responsibility to ensure that our constituents receive all the healthcare services they need and all the necessary information that will empower them,” aniya.
Dagdag pa nito, ang free lecture ay isinasagawa sa 65 health centers sa 142 barangay sa lungsod.
Bukod dito, may libreng visual inspection with acetic acid wash para naman ma-detect kung mayroong cervical cancer.
Ang mga pasyente ay maari naman magtungo sa Quezon City General Hospital para sa kanilang ultrasound o mammogram.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.