Sa deliberasyon ng P686.1 billion 2022 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH), inusisa ni Senator Imee Marcos ang kondisyon ng mga kalsada sa bansa.
Binanggit niya na base sa ulat ng World Bank, 43.79 porsiyento o 33,120 kilometro lamang ng mga kalsada ang bansa ang masasabing maayos ang kondisyon.
Ang datos ay galing din sa kagawaran, sabi ni Marcos.
“The roads that are in poor or bad condition, meaning largely or almost unpassable are upwards of 5,000 kilometers,” sabi pa ng senadora.
Inusisa ang DPWH sa plano sa plano sa mga kalsada sabay giit nito na sa halip na bumuti ay tila pasama pa nang pasama ang mga ito.
Sinabi naman ni DPWH Usec. Ma. Catalina Cabral ang responsibilidad nila ay sa mga national roads lamang at ang mga kondisyon ng mga kalsada ay sumasama dahil sa paggamit at kalamidad.
Pagtitiyak naman niya na may mga programa at plano ang kagawaran para sa maintenance and improvement ng mga kalsada.