Giit ni Pangilinan ramdam na ramdam na ng nakakaraming Filipino ang paghihirap bunga ng pandemya na sinasabayan pa ng mga kalamidad at mataas na presyo ng mga bilihin.
“Para magtagumpay laban sa COVID at gutom, kailangan ng mas steady na suporta para sa mga magsasaka at mangingisda laban sa mga pagsubok tulad bagyo at baha. Kailangan nila ng subsidies,” sabi nito.
Dapat aniya ang Department of Agriculture (DA) na ang maghanap at lumapit sa mga magsasaka at mangingisda para matiyak na makakatanggap ang mga ito ng tulong.
Iniulat ng DA na halos P2.17 bilyon din ang halaga ng pinsalang idinulot ng bagyong Maring sa agri-fishery.