Sen. Francis Pangilinan: Agarang tulong ibigay dahil sa pagtaas ng presyo ng langis, kalamidad

By Jan Escosio October 20, 2021 - 08:23 AM

 

Sinabi ni Senator Francis Pangilinan na kailangan ng kumilos ang gobyerno para maibsan ang epekto sa mga apektadong sektor ng patuloy na pagtaas na halaga ng langis.

Giit ni Pangilinan ramdam na ramdam na ng nakakaraming Filipino ang paghihirap bunga ng pandemya na sinasabayan pa ng mga kalamidad at mataas na presyo ng mga bilihin.

“Para magtagumpay laban sa COVID at gutom, kailangan ng mas steady na suporta para sa mga magsasaka at mangingisda laban sa mga pagsubok tulad bagyo at baha. Kailangan nila ng subsidies,” sabi nito.

 

Dapat aniya ang Department of Agriculture (DA) na ang maghanap at lumapit sa mga magsasaka at mangingisda para matiyak na makakatanggap ang mga ito ng tulong.

 

Iniulat ng DA na halos P2.17 bilyon din ang halaga ng pinsalang idinulot ng bagyong Maring sa agri-fishery.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.