Pangulong Duterte pinasalamatan ang US, Japan sa COVID 19 jabs’ donations

By Chona Yu October 20, 2021 - 08:20 AM

 

Taos-pusong pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang mga gobyerno ng US at Japan dahil sa patuloy na donasyon ng COVID 19 vaccines sa Pilipinas.

 

Ginawa ito ni Punong Ehekutibo sa kanyang ‘Talk to the People’ public briefing.

 

Sinabi pa nito na dahil sa mga donasyong bakuna magiging maligaya ang Kapaskuhan ng mga Filipino.

 

Una nang nangako ang Japan ng 1.96 million doses ng AstraZeneca vaccines, samantalang katulad din na bilang ng bakuna ang naibigay at ibibigay pa ng Amerika.

 

Ayon kay Pangulong Duterte, patuloy na pinapatunayan ng US at Japan ang tunay na diwa ng pagkakaibigan na nagdadamayan sa oras ng kagipitan.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.