Pagsunod ng DPWH sa SC ruling hanggang papel lang – Sen. Ping Lacson

 

Naniniwala si Senator Panfilo Lacson na hindi naman talaga sinusunod ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang direktiba ng Korte Suprema at Malakanyang na ilipat ang ilang tungkulin at pondo nito sa mga lokal na pamahalaan sa susunod na taon.

Sa deliberasyon ng P686.1 bilyong pondo ng DPWH sa susunod na taon, sinabi ni Lacson na ang Central Office ng kagawaran pa rin ang hahawak ng pondo para sa mga proyekto na dapat ay ilipat sa LGUs.

Paliwanag ni Lacson nawala na ang ‘Various Infrastructure Including Local Projects (VILPS) bilang pagsunod sa Mandanas Ruling ng Korte Suprema, ngunit nadiskubre niya na ang mga iti ay inilipat lamang sa ‘Convergence and Special Support Program na may 232 porsiyento pang pagtaas.
“While 89 percent ang nawala sa Local Program, nag-increase ang Convergence and Special Support Program by 232 percent. They are compliant on paper but in reality they are not complying. That’s my point,” diin ng senador.

Sinabi nito na ang desisyon ng Korte Suprema ay magandang oportunidad, kung susundin lamang, para mabigyang kapasidad ang mga lokal na pamahalaan.

“The LGUs should actively participate concerning local PAPs. It is now the time to activate the local development councils because alam natin over the past years masyadong centrally managed ang infrastructure projects ng national government,” diin ni Lacson.

Read more...