94 bahay sa Negros Occidental, sinira ng buhawi

 

Wasak ang 94 kabahayan sa Brgy. Maballo sa Kabankalan City, Negros Occidental matapos tumama ang isang buhawi sa lugar, Huwebes ng hapon. Tatlong katao, kabilang na ang isang 12-anyos na bata at kaniyang mga magulang ang naitalang nasugatan pero nasa mabuti naman nang kalagayan ang mga ito.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), kabilang sa mga napinsalang gusali ay isang kapilya at tatlong silid-aralan.

Bago ang buhawi na tumama sa lugar ng dakong alas-5 ng hapon, nakaranas rin ng malakas na pag-ulan na may kasama pang yelo ang mga residenteng apektado.

Read more...