Notoryus na Indian gangster, naaresto sa Parañaque

By Angellic Jordan October 19, 2021 - 09:14 PM

Nakatakdang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Indian national na wanted dahil sa mga kinakaharap na criminal cases.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, naaresto ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit (FSU) ang 48-anyos na si Suresh Bassapa Pujari sa Dona Soledad Avenue, Parañaque City noong Huwebes.

Overstaying na aniya ang dayuhan at isa nang undocumented alien matapos mapaso ang Indian passport nito noong 2019.

Dumating sa Pilipinas si Pujari noong 2016 para pagtaguan ang mga kaso.

Mayroon ding inilabas na Interpol red notice laban sa pugante noong December 2016 dahil sa dalawang arrest warrants na inilabas ng korte sa India laban sa kanya.

Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, isang notoryus na gangster si Pujari sa Bombay at Mumbai, India.

Sa ngayon, nakakulong si Pujari sa BI warden facility Sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang deportation nito.

TAGS: BI, InquirerNews, RadyoInquirerNews, BI, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.