Lamang ni Duterte sa SWS survey, lalong lumaki

By Kathleen Betina Aenlle May 06, 2016 - 03:18 AM

 

Santiago-Duterte-Binay-Roxas-and-Poe-presidential-debateSa kabila ng maraming kontrobersyang kinasasangkutan, nanatili sa nangunguna sa presidential race si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Base sa pinakahuling survey ng BusinessWorld-Social Weather Stations (SWS), double-digit na ang pagitan nina Duterte at ng katunggaling si Sen. Grace Poe.

Bagaman hindi nabago ang nakuhang puntos ni Duterte sa 33 percent, lumawak naman ng 11 percent ang pagitan nila ni Poe na ngayon ay mayroon na lamang 22 percent na bumaba ng dalawang puntos mula sa naunang survey.

Statistically tied naman sina Poe at Liberal Party standard bearer Mar Roxas na may 20 percent mula sa dating 19 percent.

Nanatili naman sa ika-apat na pwesto si Vice President Jejomar Binay sa 13 percent mula sa dati niyang 14 percent.

Nasa dulo pa rin ng listahan si Sen. Miriam Defensor-Santiago na nakakuha pa rin ng 2 percent.

Isinagawa ang survey mula May 1 hanggang 3 na nilahukan ng 4,500 na respondents na mga rehistradong botante. Mayroon itong margin of error na +/-1 points.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.