‘Back-to-office’ plan, ipinahahanda ni Dominguez
Inatasan na ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang lahat ng mga namumuno sa mga ahensiya at korporasyon na nasa ilalim ng kanyang pangangasiwa na ihanda na ang kani-kanilang ‘back-to-office’ plan.
Sinabi ni Dominguez na ang plano ay dapat alinsunod pa rin sa health and safety protocols.
Mahigit isang taon na nang ipatupad ng kagawaran ang work-from-home arrangement sa kanilang mga kawani bunga ng pandemya.
Kasama rin sa plano ang testing protocols sa kanilang empleyado, sa pamilya ng mga ito at pagsasagawa ng seminars para pagbabalik opisina ng mga kawani.
“I think that we should already have a plan for transitioning back into working normally. In other words, back-to-office work,” sabi ni Dominguez sa huli nilang executive committee (Execom) meeting.
Dagdag pa nito, “I’d like everybody to start working on this plan already assuming that we’re going to have to live with this virus.”
Hanggang noong Oktubre 8, 76.6 porsiyento ng mga kawani ng DOF ay fully vaccinated.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.