Tiyak na iikot ang puwitan ng isang government official kapag nalaman niyang baon sa utang ang kanyang misis.
Tumatangiting na P15 Million na halaga ng mga imported na mga relo at alahas ang hindi pa naibabalik o nababayaran ni Misis na hanggang ngayon ay ayaw makipagkita sa kanyang pinagkakautangan.
Sinabi ng ating Cricket na mahusay magsalita si Misis dahil maganda daw ang pwesto sa gobyerno ng kanyang Mister pero kalaunan ay nagsitalbugan din ang kanyang mga tseke.
Noong December ay ikinasal ang isa sa mga anak nina Undersecretry at Misis na mahilig sa alahas.
Sinabi ni Misis sa alahera na kailangan niyang mamili ng mga alahas para nga naman bongga ang dating sa mga bisita.
Dahil madaling kausap kaya kaagad na nagtiwala ang kausap nilang Jeweler na naghatid kaagad ng mga imported na relos at alahas.
Kabilang dito ang isang limited edtion Cartier watch na puno ng diamonds na nagkakahalaga ng P2 Million.
Umorder din si Misis ng Bulgari watch with diamonds na may market value na P1 Million.
Meron din siyang pangregalo daw para kay Usec na isang Harry Winston platinum watch na nagkakahakaga ng P2.5 Million!
Sangkatutak din na mga white gold and diamond jewelries ang kasama sa order ni Misis kaya naman naging bongga ang kanilang itsura noong araw ng kasal.
Heto na ang problema, anong buwan na? Hanggang ngayon ay hindi na nabayaran ang nabanggit na mga alahas na inorder ni Misis.
Nang singilin siya ng Jeweler ay kung anu ano na ang kanyang palusot kabilang na dito ang hindi daw niya nasisingil pa na P100 Million na government transaction sa Bacolod City. Ano naman ang kinalaman ni Misis sa trabaho ng kanyang Mister na kilala rin bilang isang “environmentalist”.
Alam ba ni Usec ang mga transaksyon ng kanyant Misis?
Nang muli siyang singilin ng Jeweler ay sinabi ni Misis na wala pa sa kanya ang perang pambayad dahil ginamit daw sa kampanya para sa eleksyon. Ito ba ang tuwid na daan?
Dahil sa pangyayaring ito ay magpapasaklolo na sa isang Cabinet member ang kampo ng Jeweler na pinagtataguan para maobliga na magbayad ang pasikat na Misis ni Usec.
Ang Misis ni Usec na mahilig sa promise para takasan ang kanyang obligasyon ay si Madam A.G….as in Ang Galing!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.