COVID-19 alert level system sa labas ng Metro Manila, palalawigin

By Chona Yu October 19, 2021 - 05:20 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

Simula sa Miyerkules, October 20, pinalawig na ng pamahalaan ang COVID-19 alert level system sa labas ng Metro Manila.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nasa Alert Level 4 ang Negros Oriental at Davao Occidental.

Nasa Alert Level 3 naman ang Cavite, Laguna, Rizal, Siquijor, Davao City at Davao del Norte, habang nasa Alert Level 2 ang Batangas, Quezon Province, Lucena City, Bohol, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Cebu Province, Davao de Oro, Davao del Sur at Davao Oriental.

Tatagal ang bagong alert level system hanggang katapusan, Oktubre 31, 2021.

Ayon kay Roque, bahagi ito ng pilot study.

“Well, ito naman po ay kabahagi pa rin ng pilot study. Kung mapapansin ninyo po, ilang rehiyon pa lamang ang na-include dito sa pilot study. Pero sabihin na po natin na iyong pagbaba po ng mga kaso at saka iyong pag-improve ng ating health care utilization rate ay parang may kinalaman po doon sa alert level system na in-adopt natin sa Metro Manila dahilan para palawigin pa natin iyong ating pilot implementation,” pahayag ni Roque.

Matatandaang unang ipinatupad ang alert level sa Metro Manila.

“So we are expanding our pilot implementation of the alert level system habang binubusisi pa talaga iyong resulta ng initial pilot ‘no. So—well ‘pag napag-aralan naman talaga na mas epektibo itong alert level system, i-implement it on a nationwide basis. Pero ngayon limited pilot study pa rin po tayo,” pahayag ni Roque.

Sa ilalim ng Alert level 4, pinapayagan ang indoor dining ng fully vaccinated individuals ng 10 porsyento na venue capacity.

Sa Alert level 3, 30 porsyento ang indoor dining ng mga fully vaccinated individual habang sa Alert Level 2 ay nasa 50 porsyento at 100 porsyento sa Alert Level 1.

100-percent capacity naman sa lahat ng alert level ang take out o delivery.

Pinapayagan naman ang gyms at fitness studios na magbukas ng 10-percent capacity na indoor sa Alert Level 4, 30 percent sa Alert 3, at 50 percent sa Alert 2.

Ipatutupad din ang patakaran sa indoor meetings, conferences, at exhibitions, sabi ni Roque.

Sarado naman ang mga sinehan sa Alert Level 4.

TAGS: AlertLevel, AlertLevelSystem, HarryRoque, InquirerNews, RadyoInquirerNews, AlertLevel, AlertLevelSystem, HarryRoque, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.