Face-to-face classes sa Manila pinaghahandaan na

By Chona Yu October 19, 2021 - 12:09 PM

(Manila PIO)

Personal na ininspeksyon ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang ginagawang paghahanda ng lungsod sa pilot implementation ng face-t0-face classes.

Kasama ni Mayor Isko na nag-ikot sa Aurora Quezon Elementary School sina City Engineer Armand Andres at Division of City Schools Supt. Dr. Magdalena Lim.

“Sa mga nanay at tatay ng mga Batang Maynila, naggagayak na ang inyong Division of City Schools thru Dr. Magdalena Lim at ang inyong pamahalaang lungsod,” pahayag ni Mayor Isko.

Tiniyak ni Mayor Isko na magiging ligtas ang mga estudyante kapag nagbalik na sa paaralan.

“Naglalagay na tayo ng acrylic barriers para pumanatag kayo na pagbalik ng mga anak niyo may mga ginawa na ang pamahalaan para maingatan sila. So kapit lang,” pahayag ni Mayor Isko.

 

TAGS: Aurora Quezon Elementary School, face-to-face classes, Manila Mayor Isko Moreno, Aurora Quezon Elementary School, face-to-face classes, Manila Mayor Isko Moreno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.