Patuloy na bumaba ang COVID-19 reproduction number sa National Capital region.
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, nasa 0.55 na lamang ang reproduction number o ang bilang ng hawaan ng COVID-19.
Ayon kay David, ito na ang pinakamababang record simula noong Mayo.
Umaasa si David na bababa pa ito sa 0.6 hanggang sa katapusan ng taon.
Samantala, bumaba din ang 7-day average sa 1,411 mula sa 1,448.
Una nang sinabi ng Department of Health na pababa na ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.