P8.7B delikadong mabawas sa Senior High School voucher program – Sen. Win Gatchalian

Senate PRIB photo

Nanganganib na matapyasan ng P8.7 bilyon ang Senior High School Voucher Program sa susunod na taon, ayon kay Senator Sherwin Gatchalian.

Ngayon taon, P25.2 bilyon ang inilaan para sa naturang programa, samantalang sa susunod na taon ay bumaba ito sa P16.5 bilyon kayat posible na 33,883 ang mababawasa sa mga benepisaryo.

Ayon kay Gatchalian, sa susunod na taon, target ng programa ang 1.38 milyon benepisaryo at nangangailangan ito ng P24.6 bilyong pondo.

Nangangamba ang senador na nanganganib sa pagtapyas ng pondo ang mga pribadong eskuwelahan, na aniya ay lubha na rin apektado ng paglipat ng kanilang mga estudyante sa mga pampublikong paaralan o paghinto sa pag-aaral.

“We have to send a clear signal to our private schools because they are hurting, and reducing the budget of the SHS-VP will definitely send the wrong signal to our private schools,” sabi ni Gatchalian.

Read more...