Higit 4,000 pamilya na naapektuhan ng bagyong Maring nanatili sa evacuation centers – DSWD

By Jan Escosio October 19, 2021 - 08:43 AM

Higit 4,000 pamilya na may katumbas na higit 15,000 indibiduwal na lumikas dahil sa pananalasa ng bagyong Maring ang hindi pa nakakabalik sa kanilang mga bahay.

Ito ay ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) base sa datos na nakalap noong Oktubre 14.

Nabatid na ang mga ito ay nanunuluyan pa rin sa 104 evacuation centers sa Ilocos, Cagayan Valley at Cordillera Regions.

Samantala, may 4,432 o 21,357 indibiduwal naman ang hindi pa rin nakakauwi at nakikitira pansamantala sa mga kaanak o kaibigan.

Nakapamahagi naman ang DSWD ng higit P3 milyon halaga ng relief assistance sa mga naapektuhan sa Cagayan, Abra at Benguet.

May higit P2 bilyon pang ‘standby fund at relief packages’ ang kagawaran na maaring ipamahagi sa mga mangangailangan na lokal na pamahalaan.

TAGS: Bagyong Maring, cagayan valley, Ilocos, Bagyong Maring, cagayan valley, Ilocos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.