Kanye West binago na ang pangalan

Inaprubahan na ng Los Angeles judge ang hirit ng sikat na singer na si Kanye West na baguhin na ang pangalan nito at gawin na lamang na Ye.

Ayon sa ulat, noon pang Agosto hiniling ni West sa korte na mabago ang kanyang pangalan dahil sa ilang personal na rason.

Dahil sa pag-apruba ng korte, wala ng apelyidong gagamitin ang Grammy-winning rapper at producer.

Nabatid na ang buong pangalan ng singer ay Kanye Omari West.

 

Read more...